Lumaki ako sa TV

Growing up in the province, wala kaming ibang libangan noon bilang mga kabataan. Wala pang smartphones, wala pang tablets, at lalong wala pang social media. Pero—may TV kami! Sa isang household noon, sosyal ka na kung may dalawa kayong TV sa bahay. Kaya masuwerte kami noon—kasi inabot namin na may tigi-tig-isang TV kami sa bawat kwarto.

5/20/20251 min read

Habang pinapanood ko ang video na ito, narealize ko: kaya pala ako ganito ngayon ay dahil sa impluwensya ng TV at iba pang media na kinonsumo ko. Noong nagbalik-tanaw ako, napagtanto ko na masaya pala ang kabataan ko—dahil sa kalidad ng mga palabas noon. Entertaining, magaan, may gabay, bawal ang murahan, at maayos ang regulation. Kaya hindi naman ako lumaking siraulo. 😅

Sa halip, doon nabuo ang pangarap kong maging isang media practitioner. Marami mang naging hamon sa buhay, masuwerte pa rin ako na naging mabuting gabay ang media habang ako'y lumalaki. Ang tanong ko lang ngayon: sa panahon ngayon, maayos at tama pa ba ang media consumption ng kabataan?

Mas pinaniniwalaan ba nila ang mga lehitimong journalists? O mas naniniwala sila sa vloggers at influencers na nagmamarunong lang? 😅 Oh well—panoorin n’yo na lang ang video. Nandito ang buong kwento at saloobin ko.

Salamat! – Tito D

-------------------

Project Stormie Facebook: https://www.facebook.com/projectstormie

Daryl Tecson Facebook: https://www.facebook.com/titodaryltecson

Instagram: https://www.instagram.com/daril8

TikTok: https://www.tiktok.com/@titodmedia

Watch the full video!

Please LIKE and SHARE the video, and SUBSCRIBE to my Youtube Channel.